Kinuwestyon ni PDEA Chief Aaron Aquino ang kakayahan ni dating PDEA Chief Dionisio Santiago.
Ito’y kasunod ng pahayag ni Santiago na dapat nang magbitiw si Aquino dahil sa kontrobersiya ng drug recycling.
Ayon kay Aquino, nakapagsagawa siya ng case surveillance tungkol sa drug queen at nadiskubre ang pagkakakilanlan ng mga ninja cop, bagay na hindi nagawa ni Santiago sa termino nito.
Sa pagdinig ng senado kahapon, muling sinabi ni aquino na tinawagan siya ni pnp chief oscar albayalde noon na huwag ipatupad ang dismissal order laban sa kanyang mga dating pulis na nasasangkot sa pagre-recycle ng ilegal na droga.
Facebook Comments