Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na test circulation pa lamang ang pag-ikot ng P1,000 polymer banknotes sa kasalukuyan.
Ayon kay BSP Strategic Communications and Advocacy Managing Director Tony Lambino, nais patunayan ng pamahalaan ang mga benepisyo na una nang iniulat ng mga bansang gumagamit ng ganitong material tulad ng pagiging mas matibay kumpara sa perang papel, malinis, mahirap mapeke, pangmatagalan, at environmental friendly.
Dagdag pa ni Lambino na nasa 0.7 percent pa lang na P1,000 polymer bills ang nasa sirkulasyon mula sa kabuuang bilang nito at asahan aniya na sa susunod na taon ay maiaaakyat pa ito sa 30 percent.
Samantala, hinikayat naman ng BSP ang publiko na iparating sa kanilang tanggapan ang feed back at iba pang concern kaugnay sa polymer notes.