Kasalukuyang sitwasyon sa Cebu, mahigpit na binabantayan ng PNP upang matiyak na walang makakakapagsamantala

Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang Cebu upang matiyak na walang makakapagsamantala sa sitwasyon nito matapos yanigin ng magnitude 6.9 na lindol.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na report ng looting at iba pang krimen sa Cebu matapos ang sakuna.

Ayon kay Nartatez, nag-organisa na ang kapulisan sa Cebu katuwang ang mga kaukulang ahensiya at mga lokal na pamahalaan.

Ito ay para tumulong sa rescue at relief operations sa Northern part ng Cebu, at tumutulong din sa clearing operations sa mga kalsada at tulay na hindi madaanan.

Si Nartatez ay nagtungo sa Kamara para sa pagsalang sa deliberasyon ng 2026 budget ng PNP.

Facebook Comments