Kasalukuyang supply ng bakuna sa Pilipinas, para lamang sa 30-percent required doses para sa health workers – DOH

Ang kabuoang bilang ng COVID-19 vaccines na dumating sa Pilipinas ay para lamang sa 30-porsyento ng kinakailangang doses para sa lahat ng healthcare workers sa bansa.

Ito ang iginiit ng Department of Health (DOH) sa harap ng panawagan sa publiko na sundin ang vaccine priority list.

Sa ngayon, nasa 1,525,600 doses ng COVID-19 vaccines ang dumating sa Pilipinas na mula sa Chinese Government at COVAX Facility.


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa 3.4 million doses ng COVID-19 vaccines ang kailangan para mabakunahan ang lahat ng 1.7 million healthcare workers sa bansa para sa two doses requirement.

Sa hiwalay na briefing, hinikayat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang publiko na isumbong ang sinumang sumisingit sa priority line ng COVID-19 vaccination.

Maaaring tumawag ang publiko sa DOH hotline 8651-7800 local 2527, o sumadya sa kanilang DOH regional offices.

Facebook Comments