Kasamahan ni Mark Anthony Fernandez, Patay Matapos Mahulog sa Tulay!

1444

*Cauayan City, Isabela- *Patay ang isang lalaki nang aksidenteng mahulog sa tulay sa Barangay Zone 3, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Sany Boy Catacutan, nasa hustong gulang, walang asawa, farm worker ng Bio Ethanol plant at tubong Bacolod City, Negros Occidental.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PSSgt Rogelio Ignacio, imbestigador ng PNP San Mariano, nagtungo sa ilog Pinacanauan ang biktima kasama ang dalawang ka-trabaho na sina Mark Anthony Fernandez at Agim Mundija, kapwa residente rin ng Bacolod City, Negros Occidental upang maglaba ng kanilang mga damit.

Nag-inuman rin sa gilid ng ilog ang mga ito at makalipas ang ilang oras ay pumunta at umupo sa luma’t sirang tulay ang biktima na dahilan ng kanyang aksidenteng pagkahulog.

Ayon kay PSSgt Ignacio, tumama sa bato ang ulo ni Catacutan nang ito’y mahulog mula sa mahigit kumulang labinglimang (15) talampakang taas ng tulay .

Naisugod pa ng kanyang kasamahan sa ospital ang biktima subalit idineklara rin na dead on arrival ng kanyang attending physician.

Nakikipagtulungan na rin ang nasabing planta upang maiuwi sa pamilya ang nasawing biktima.

Facebook Comments

From Advertisers