Kasambahay na minaltrato umano ni Ambassador Mauro, nakabalik na sa bansa at desididong magsampa ng kaso

290

Kinumpirma ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nasa South Cotabato na ngayon si Leonila De Ocampo, ang kasambahay na minaltrato umano ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro.

Sabi ni Zubiri, base sa anak ni De Ocampo ay desidido itong magsampa ng kaso laban kay Ambassador Mauro at malabong magpa-areglo.


Binanggit ni Zubiri na kapag natapos na ni De Ocampo ang 14 na araw na mandatory quarantine ay magsusumite na ito ng sinumpaang sala sa Department of Foreign Affairs o DFA.

Naniniwala si Zubiri na malakas ang kaso laban kay Ambassador Mauro dahil malinaw sa kumalat na mga CCTV footage ang paulit-ulit nitong pananakit kay De Ocampo.

Nakausap din ni Zubiri si De Ocampo at inalok niya ito ng legal, medical at financial assistance.

Facebook Comments