Kasambahay, na-rescue ng NBI sa kamay na mga Chinese scammer

Iniharap ngayong araw sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pitong Chinese nationals na sangkot sa scamming operation sa Parañaque City. Kasabay nito ang pag-rescue sa isang kasambahay na si alyas “Letlet” na namamasukan sa isang pamilya sa Multinational Village sa Parañaque City.

Ang nasabing kasambahay ay ikinulong sa isang kwarto nang matuklasan niya na puno ng computers ang isang palapag ng bahay na ginagamit pala sa scam, nakatawag si alyas “Letlet” sa kanyang kaibigan kaya nakahingi sila ng tulong sa NBI.

Sa isang operayson na ikinasa ng NBI nakumpirmang sangkot sa scam ang bahay na sinalakay dahil natagpuan ang sangkatutak na computers na ginagamit sa iba’t ibang scam.


Hindi naman daw nakaranas ng pang-aabuso sa kamay ng Chinese nationals si alyas “Letlet” pinapakain siya ngunit tinatakot siya ng mga ito, at hindi pinapalabas at hindi ibinibigay ng tama ang kanyang sweldo.

Apat na kaso ang kahaharapin ng 7 Chinese nationals kabilang ang paglabag sa:

• Expanded anti-trafficking
• Computer related forgery
• Cybercrime prevention act
• Domestic workers act o batas kasambahay

Bukod pa sa deportation case na kakaharapin ng mga ito sa Bureau of Immigration (BI).

Samantalang nakahanda naman tulungan ng NBI si alyas “Letlet” upang maka-uwi na ito sa kanyang probinsya.

Facebook Comments