KASAMBAHAY, NAGNAKAW UMANO NG 160K SA AMO NITO SA BUGALLON

Isinangguni ng isang amo ang kasambahay nito sa Bugallon Municipal Police Station matapos umano nitong nakawin ang perang nakatago sa cabinet.

Salaysay ng biktima sa pulisya, bandang alas sais ng umaga, kahapon nang malaman nitong nawawala ang susi ng cabinet kung saan nakatago ang pera na kaniya sanang kukunin.

Nang tignan ang cabinet, nakabukas na umano ito at nawawala na ang perang nakasilid roon na nagkakahalaga ng 160,000 pesos at 100 US dollars.

Nang komprontahin umano ng anak ng amo ang kasambahay, ang tanging katibayan lamang ay pagkakadiskubre ng susi ng cabinet na nasa loob ng bag ng kasambahay.

Pansamantalang nasa ilalim ng kustodiya ng pulisya ang akusado at kung mapatunayang may sala ay haharap sa kasong Qualified Theft. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments