Aarangkada simula ngayong araw ang Kasambahay Week na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan.
Ayon kay San Juan Mayor Francisco Zamora, tatagal hanggang Marso 12 ngayong taon ang aktibidad ng pamahalaang lungsod kaugnay sa isinasagawang Kasambahay Week.
Aniya, ito ay magsisimula ng alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa 3rd Floor ng V-Mall, Greenhills.
Dito aniya, ang mga kasambahay, driver, security at mga kaagapay sa mga tahanan ng mga residente ng lungsod ay maaaring kumuha ng mga serbisyo tulad ng pagpaparehistro para sa COVID-19 vaccination, pagpaparehistro para sa hospital, medical, educational, burial at financial assistance.
Kasama rin ang pagpaparehistro para sa San Juan Medical Center Health Card, on-site na pagpaparehistro para sa PhilHealth, SSS at PAGIBIG, pagpaparehistro sa COMELEC, pag-apply para sa postal ID at police clearance.
Para sa nais makiisa nito, sinabi ni Zamora na kailan dahil ang kanilang mga mahahalagang dokumento tulad ng birth certificate, marriage certificate (kung kasal na), kahit anong valid government ID (postal ID, PWD ID, student’s ID, passport, at iba pang valid government ID na may litrato) at employment certificate mula sa employer o building/village administrator.
Tiniyak naman ni Zamora na kanilang ipatutupad ang health protocols laban sa COVID-19 sa nasabing aktibidad.