Pinatatag ang kasanayan ng mga Barangay Health Worker (BHW) sa La Union sa pamamagitan ng serye ng pagsasanay na isinagawa ng Barangay Health Worker Federation of La Union katuwang ang Provincial Health Office.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kakayahan ng mga BHW sa health education, health promotion, risk communication, community mobilization, at action planning upang mas epektibo nilang masuportahan ang mga programang pangkalusugan sa kani-kanilang barangay.
Inihanda rin sila upang gampanan ang mas aktibong papel bilang Health Education and Promotion Officers.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga tungkulin ng BHW, pakikipagtulungan sa health teams, tamang pagresolba ng mga suliranin, at pagpapanatili ng dekalidad na serbisyo.
Nagsagawa rin ng group discussions, role playing sa iba’t ibang sitwasyon sa komunidad, at barangay-level action planning upang higit na mapalalim ang kanilang kaalaman at kasanayan.
Kasabay nito, inalam rin ng mga kalahok ang mga impormasyon hinggil sa measles prevention bilang paghahanda sa Ligtas Tigdas campaign sa Hunyo, upang maging handa sila sa pagtugon sa mga tanong ng komunidad at mahikayat ang mas malawak na partisipasyon sa immunization activities.










