Pinatatatag ng Department of the Interior and Local Government Regional Office I (DILG R1) ang kasanayan ng mga emergency responder sa pamamagitan ng limang araw na pagsasanay na ginanap mula Oktubre 27–31 sa Caba, La Union.
Lumahok sa aktibidad ang 50 kawani mula sa DILG Regional at Provincial Offices upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa Basic Life Support, Standard First Aid, at Operation L!sto modules.
Sa pamamagitan ng mga lecture, demonstration, at drills, nahasa ang mga kalahok sa CPR, first aid, at koordinadong pagtugon sa mga emergency.
Layunin ng pagsasanay na mas mapalakas ang kahandaan ng mga kawani sa pagtugon sa sakuna at masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa Rehiyon 1.
Facebook Comments









