Pinatatag ang kasanayan ng mga tourism frontliner sa Pangasinan sa pamamagitan ng isinagawang Magnayon: Pangasinan Tourism Frontliner Training, isang dalawang-araw na pagsasanay na naglalayong pahusayin ang kanilang kakayahan para sa pag-unlad ng sektor ng turismo.
Pinangunahan ito ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) katuwang ang Department of Tourism Region I, na nilahukan ng 83 kawani mula sa iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Tinalakay sa pagsasanay ang Filipino Brand of Service Excellence (FBSE) upang higit na mapaigting ang kultura ng maayos, magalang, at propesyonal na serbisyo bilang bahagi ng paghahanda ng Pangasinan sa pagiging isang world-class tourism destination.
Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, inaasahang mas magiging handa ang mga kawani sa paghahatid ng dekalidad at pare-parehong serbisyo na sumasalamin sa adbokasiyang makapaglingkod sa sektor nang mas mainam at mas epektibo sa abot ng kanilang makakaya.










