“Kasangga 2023” pormal nang sinimulan, Philippine Army at Australian defense force, magkatuwang na magsasanay

Aarangkada na simula ngayong araw ang “Kasangga 2023-2” Army to Army Exercise sa pagitan ng Philippine Army at Australian Defense Force.

Ang nasabing pagsasanay ay tatagal ng isang buwan kung saan layon nitong palakasin ang interoperability ng dalawang magka-alyadong bansa, magkakaroon din ng exchange of tactics, operational skills, counter and communist insurgency, urban warfare at maraming iba pa.

Lalahukan ito ng 43 sundalo mula sa Australian Defense Force habang 114 mula sa panig ng Philippine Army o kabuuang 157.


Samantala, pinangunahan ang opening ceremony ni Army Assistant Division Commander BGen. Augusto Villareal ng 2nd Infantry Division at Australian Defense Attaché to the Philippines Col. Paul Joseph Barta.

Nabatid na una nang isinagawa ang Kasangga 2022-1 bilateral exercise sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija nuong April 11 hanggang June 27, 2022 kung saan kapwa nagbahagian ang dalawang bansa ng techniques sa combat shooting, urban operations, combat first aid at iba pa.

Facebook Comments