Mas bibigyang pagkilala at halaga ang kasaysayan, kultura at turismo ng lalawigan ng Pangasinan ng Pamahalaang Panlalawigan alinsunod sa pagdiriwang ng National History Month ngayong buwan ng Agosto.
Isang hakbang ang pagsasaayos muli o ang restoration ng Casa Real na tinaguriang unang kapitolyo ng lalawigan.
Dito masisilayan at matutunghayan ng mga turista at bisita ang mga ipinagmamalaking kultura at tradisyon ng mga Pangasinense.
Tatanawin at mababalikan ang mga alaalang nagbubuklod, nag umpisa ng pagkakakilanlan tungo sa kung gaano na kayabong ang lalawigan ng Pangasinan ngayon.
Samantala, inaasahan ang pagbubukas ng Casa Real sa susunod na buwan na pangungunahan naman ng Pangasinan Provincial Museum. |ifmnews
Facebook Comments