KASIMBAYANAN Program, patuloy na pinalalakas ng PNP

Patuloy ang pagpapalakas ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang KASIMBAYANAN program na kumakatawan sa Kapulisan, Simbahan at Pamayanan.

Sa pangunguna ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., muling nagkaroon ng pulong ang iba’t ibang sektor.

Layunin nito na higit pang paigtingin at pagtibayin ang ugnayan ng mga pulis, kumunidad at ng mga faith-based groups para sa maayos at mapayapang pamayanan.


Sa naturang pulong, napag-usapan ang pagkakaroon ng KASIMBAYANAN advisers sa mga barangay na siyang mangangasiwa sa community relations at pagsasagwa ng mga aktibidad.

Samantala, nagkaroon din ng paglagda sa commitment sa pagitan ng mga Local Government Unit (LGU) bilang suporta sa KASIMBAYANAN program ng PNP.

Facebook Comments