Nakapagtala ang Mandaluyong City Health Department ng apat na araw na sunud-sunod na pagbaba ng bilang ng active cases ng COVID-19.
Batay sa kanilang tala, noong December 9, nasa 94 pa ang kabuuang bilang ng active cases sa lungsod, pero ngayong araw ay nasa 81 nalang ito.
Dahil dito, Patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mga gumagaling na nasa 5,429.
Tiniyak naman ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na nananatili sa mga quarantine facility ang mga active cases.
Nananatili naman sa 167 ang bilang ng nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.
Nasa 5,677 na ang pinagsama-samang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, simula noong unang araw na nagkaroon ng unang kaso ng COVID-19 ang lungsod hanggang ngayong araw.
Facebook Comments