Kaso, isinasapinal  sa ilang tao kasunod ng pagpanaw ng 1 sa 2 batang nabagsakan ng palitada sa isang condominium sa QC

Isinasapinal na ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Quezon City Local Government Unit (LGU) ang  kasong kriminal at administratibo na isasampa laban sa pinaniniwalaang mga responsable sa aksidente sa isang condominium sa Tomas Morato noong Agosto 12 na naging sanhi upang mabagsakan ng palitada ang tatlong batang mag-aaral.

Ito ang ipinahayag ng LGU kasunod ng pagpanaw ng isa sa dalawang batang nabagsakan ng palitada.

Nagpagpaabot na  ang LGU ng pakikiramay  sa pamilya ni CJ Baldonado at nangakong gagawin nito ang lahat  upang makamit ng pamilya ni CJ at ng dalawa pang batang naapektuhan ng insidente ang hustisya.

Nakikipag -ugnayan na rin ang Social Services Development Department (SSDD)  sa pamilya upang agad na makapagpaabot ng kinakailangang tulong.

Nanawagan din ang lokal na pamahalaan sa publiko na ipagdasal ang agarang paggaling ng iba pang  mga  biktima ng aksidente.

Facebook Comments