IBINASURA ng provincial prosecutor ang kasong isinampa ng Philippine Drug Enforcement Agency-ARMM laban sa isang negosyante sa lungsod.
Ayon kay Maguindanao Deputy Provincial Prosecutor Tocod Ronda, dinismis n’ya ang narcotics at illegal firearm possession cases laban kay Vicky Sinsuat Sangkigay, residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao, may-ari ng isang optical clinic dito sa Cotabato city dahil hindi n’ya nakitaan ng merito ang isinampang kaso ng PDEA-ARMM laban dito.
Nagdududa rin umano si Ronda sa paraan ng pag-search ng operatiba kung saan isinagawa ito nang walang mga saksi.
Hindi rin anya kapani-paniwala na bilang isang negosyante ay magkakaroon ng 3 maliliit na sachet ng shabu sa loob ng mamahaling bag ni Sangkigay na naglalaman ng mahigit P2 million.
Samantalang ang baril na narekober sa tahanan ni Sangkigay ay may kaukulang mga dokumento.
Napag-alaman na nagsampa rin ng hiwalay na kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591 ang PDEA-ARMM sa lungsod kung saan ipinag-utos ni Regional Trial Court Branch 13 Judge Bansawan Ibrahim sa PDEA-ARMM ang pagsauli sa pera ni Sangkigay.
Kaso kaugnay ng iligal na droga at illegal possesion of firermas laban sa isang negosyante sa lungsod, ibinasura!
Facebook Comments