Kaso laban 20 raliyista na inaresto ng MPD, binasura ng piskalya

Ibinasura ng Office of the City Prosecutor sa Maynila ang mga kaso laban sa 20 raliyista na inaresto at kinasuhan ng Manila Police District dahil sa pagdaraos ng “Pride March 2020” noong Hunyo.

Kinumpirma ni Dimple Paz ng grupong Gabriela at isa sa mga kinasuhan, na ibinasura ng piskal ang mga kaso laban sa kanya at iba pa niyang kasamahan na mga miyembro ng LGBTQ+ groups at iba pang organisasyon.

Ang mga kasong isinampa ng MPD ay resistance and disobedience to authority, illegal assembly at paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.


Magugunitang ginawa ng mga raliyista ang Pride March 2020 sa Mendiola, Maynila noong Hunyo sa kasagsagan ng community quarantine dahil sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments