Nakatakdang ihain ngayong araw sa Parañaque Regional Trial Court ng Department of Justice (DOJ) ang kasong inciting to sedition laban kay Rodel Jayme, ang administrator ng website kung saan na-upload ang “Bikoy” video.
Sa 13 pahinang rekomendasyon, nakitaan ng DOJ Panel of Prosecutors ng probable cause ang pagsasampa ng kasong Inciting to Sedition in Relation to Section 6 of the Anti-Cybcercrime Law laban kay Jayme.Ayon kay DOJ Senior Assistant State Prosecutor Anna Devanadera, maaaring maglagak ng P36,000 piyansa si Jayme para sa kaso.
Kapag napatunayan guilty sa kaso si Jayme, siya ay makukulong ng anim na taon hanggang labing dalawang taon bukod pa sa mga penalties.
Facebook Comments