Kaso laban sa binatilyong suspek sa Silawan slay, ibinasura ng korte

Ibinasura ng Lapu-Lapu City Prosecutors Office ang kasong inihain laban sa binatilyong suspek sa brutal na pagpatay kay Christine Lee Silawan.

Ayon kay city prosecutor Ruso Zaragoza, nagdesisyon ang prosekusyon na ibasura ang kasong hinain ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa 18-taong gulang na suspek dahil umano sa kakulangan sa ebidensya.

Sa halip, inirerekomenda ng prosekusyon na kasuhan ng murder ang 43-anyos na si Renato Llenes na umaming pumatay kay Silawan.


Kaugnay nito, pinayagan na ring makalabas ng home care facility ang 18-anyos na suspek.

Matatandaang March 11 nang makita ang labi ni Silawan na binalatan ang mukha at wala ng dila.

Facebook Comments