Kaso laban sa driver na umararo ng 13 sasakyan at isa nasawi sa Taguig City, inihahanda na

Kinumpira ng pamahalaang lokal ng Taguig na inihahanda na nila ngayong araw ang kasong isasampa laban kay Conrad Frank Toledo, isang company driver na umararo ng 13 sasakyan sa may kahabaan ng PAE-DOST sa Upper Bicutan pasado alas-9:50 kahapon ng umaga.

Batay sa pahayag ng pamahalaang lungsod, hindi nila tino-tolerate ang ganitong pangyayari sa kanilang lungsod at hindi nila hahayaan na walang managot sa sinapit ng mga biktima ng naturang aksidente sa kalsada.

Nais iparating ng lungsod sa mga pasayaw na motorista na mahigpit nilang ipatutupad ang mga batas trapiko.


Tiniyak ng pamahalaang lokal ng Taguig ang kaligtasan ng mga motorista sa lungsod, at nangangako na itutuloy ang mga kaso laban sa mga pabaya at iresponsableng mga motorista.

Ang naturang insidente kahapon ay nag-iwan ng isang nasawi at 16 na injury.

Kakaharapin Toledo ang kaso na reckless imprudence resulting in multiple physical injuries with multiple damage to property and homicide.

Facebook Comments