Kaso laban sa exorcist priest Ibinasura ng korte

Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang kaso laban sa exorcist priest na si Fr. Winston Cabading na kinasuhan ng “offending religious feelings”.

Sa siyam na pahinang desisyon, tinanggap ng Quezon City RTC Branch 224 ang mosyon ni Cabading matapos soplahin ang petisyon at ammended information na inihain ni dating Sandiganbayan Associate Justice Harriet Demetriou.

Nabigo umano si Demetriou na mapatunayan na nagkaroon talaga ng paglabag ang pari at kung nakapanakit ito ng religious feeling.


Una nang sinampahan ng reklamo si Cabading matapos umano nitong sabihing demonyo ang aparisyon ng Birheng Maria sa Lipa, Batangas kung saan deboto si Demetriou.

Itinanggi naman ni Fr. Cabading na may ganoon siyang sinabi.

Facebook Comments