Cebu City – Inaayos na ng Parian Police Station sa Cebu City ang kasong isasampa laban sa isang lawyer broadcaster ng isang FM station sa Cebu na inireklamong nanggahasa umano ng isang trese anyos na dalagita.
Isinailalim na sa medical examination ang biktima para malaman kung ito nga ay nagahasa pero hindi pa puwedeng ilahad ng Parian PNP ang resulta.
Matatandaan na ang 13–taong gulang na bata ay pumunta sa isang FM station sa Cebu para humingi ng tulong sa isang broadcaster kung saan naninilbihan ang ina ng biktima bilang katulong.
Pero wala ang nasabing anchor kaya sa kasama nitong co-anchor humingi ng pamasahe ang biktima para makauwi sa kanilang bahay.
Ayon pa sa biktima ng makausap niya ang lawyer broadcaster, sinabihan siya ng suspek na nasa kotse nito ang kaniyang pera.
Papaalis na sana ang bata ngunit tinawag ito ng lawyer broadcaster at inalok na sumabay na lamang sa kaniya dahil papunta rin ang suspek sa downtown area sa Cebu City.
Ngunit biglang pumasok sa isang parking area malapit sa isang unibersidad ang suspek at doon siya umano ginahasa sa loob mismo ng sasakyan ng nito.
Mismong sa RMN Cebu humingi ng tulong ang biktima dahil na rin sa takot nito sa suspek.