Kaso laban sa mga naarestong puganteng Hapones, pinababasura ng DOJ para mapabilis ang deportation process

Didinggin na ng mga korte ang mosyon na inihain ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice (DOJ) para mabasura na ang mga kaso laban sa apat na puganteng Hapones na wanted sa Japan.

Layon nito na mapabilis ang deportation laban sa mga naarestong Japanese national.

Tumanggi naman si Justice Spokesman Mico Clavano na ibunyag kung saan-saan korte nakabinbin ang mga kaso laban sa tatlo sa apat na Japanese nationals na sinasabing sangkot sa serye ng robbery sa Japan.


Una nang sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na posibleng imbento lang ang kaso laban sa mga nasabing Hapones upang hindi sila maipatapon pabalik ng kanilang bansa.

Inihayag naman ni Remulla na susubukan nilang maipa-deport nang sabay-sabay ang apat na pugante dahil ito ang nais ng Japanese government.

Facebook Comments