
Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na paparating na ang kaso laban sa malalaking isda sa flood control scandal.
Sa gitna ito ng mga puna ng publiko na puro “dilis at sapsap” lang ang nadadakip.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na papalapit na sa mga “pating at balyena” ang takbo ng imbestigasyon.
Binibigyan lang aniya ng sapat na panahon ang Ombudsman para tiyaking matibay ang mga ebidensya at siguradong panalo ang ihahaing kaso.
Ayon kay Remulla, hindi maglalabas ng demanda ang Ombudsman hangga’t hindi buo ang ebidensya.
Kapag naisampa na ang kaso, sigurado ang DILG na may laban ito hanggang sa pagkakakulong ng mga big fish.
Facebook Comments









