Pormal nang isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa Justice Department ang kasong murder at paglabag sa anti-torture law, torture leading to death and involving children, laban sa mga pulis na bumaril sa Grade 11 student na si Kian Lloyd delos Santos.
Kabilang sa mga kinasuhan sa DOJ sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda, PO1 Jerwin Cruz at ang precinct commander na si Chief Insp. Amor Cerillo.
Ang naturang mga pulis ay nasa ilalim na ngayon ng restrictive custody.
Ayon kay PAO chief Persida Rueda-Acosta, lumalabas sa kuha ng CCTV na kinaladkad ng pasakal ng dalawang pulis si Kian bago ito binaril.
Hawak na ngayon ng PAO ang pang-apat na testigo sa pamamaril, habang ang tatlong iba pa ay nasa kustodiya ng Senado.
Ayon kay Atty. Acosta , ngayong naisampa na nila ang kaso laban sa mga pulis, agad hihilingin naman nila na maisailalim sa Witness Protection Program ang mga testigo.