Manila, Philippines – Inihahanda na ng Department of Justice ang mga kasong isasampa laban sa negosyante at Online Gaming Operator na si Charlie “Atong” Ang.
Kaugnay ito sa paratang ni ang laban kay Aguirre at kay National Security Adviser Hermogenes Esperon na binantaan umano ang kanyang buhay.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, makakaasa si Ang na darating sa kanya anumang araw ang subpoena ng kanyang mga demanda.
Una rito, sinulatan ni Aguirre ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para imbestigahan si ang sa kanyang mga Tax Liabilities dahil sa hindi umano nito pagbabayad ng buwis at sa kanyang illegal gambling operation tulad ng jueteng.
Naniniwala rin ang kalihim na paghihiganti ang motibo sa mga paratang ni ang laban sa kanya dahil sa pag-utos nito noon sa pagsalakay sa Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga.
DZXL558