Kaso laban sa pinuno ng FDA-CDRR, hindi iuurong ng ARTA

Tiniyak ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na hindi makakaapekto sa patung-patong na kasong inihain nila laban sa pinuno ng Food and Drug Administration-Center for Drug Regulation and Research (FDA-CDRR) ang pag-apruba ng ahensya sa mahigit 400 pending drug application.

Matatandaang kinasuhan ng ARTA si FDA-CDRR Director Jesusa Joyce Cirunay matapos na hindi nito aksyunan ang daan-daang automatic renewal applications na nakabinbin sa tanggapan simula pa noong 2013.

Sabi ni ARTA Director General Jeremiah Belgica, hindi nito mababago ang katotohanang lumabag ang opisyal sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Government Service Delivery Act of 2018.


Dagdag pa ni Belgica, itutuloy rin nila ang imbestigasyon sa posibleng pananagutan ng iba pang tanggapang dinaraanan ng mga aplikasyon.

Facebook Comments