Naihain na sa korte ang kaso laban kay Police Staff Sergeant Jonel Nuezca, ang pulis na pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas, hinihintay na lamang nila ang commitment order ng korte para malaman kung ano ang magiging hatol laban kay Nuezca.
Sa ngayon, posibleng anumang oras ay mailipat na sa detention facility na kontrolado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Tarlac si Nuezca.
Samantala, handa namang magpatawad ang mga kamag-anak nina Sonya Gregorio at Frank Anthony.
Pero ayon sa mga ito, patuloy pa rin silang maghahabol ng hustisya para sa mga biktima.
Bagama’t aniya pinatatawad na nila si Nuezca ay kailangan pa rin nitong managot sa batas at sa mata ng Diyos.
Nagpasalamat naman si Police Col. Narciso Domingo, Deputy Regional Director ng Central Luzon Police, sa kaanak ng mga biktima sa pag-intindi sa buong PNP matapos ang insidente.