Ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) na ilipat sa main office ang mga kaso na isinampa ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa operasyon ng mga pulis na sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Compund.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, inatasan ng DOJ ang piskalya ng Davao City na agad ipadala ang mga kaso.
Ang dating pangulo ang tumatayong administrator ng mga ari-arian ng KOJC matapos italaga noon ni Pastor Apollo Quiboloy.
Kasong malicious mischief at unjust vexation ang isinampa ng dating pangulo sa mga pulis at ilang matataas na opisyal gaya nina Interior Secretary Benhur Abalos, PNP Chief Rommel Marbil at Police Brigadier General Nicolas Torre III.
Tumagal ng mahigit dalawang linggo ang pagpalibot ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa KOJC compound bago maaresto si Quiboloy noong September 8.