Kaso ng 2 Pinoy fisherman na naputulan ng daliri sa Honolulu, tinututukan na ng MWO

Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na tinututukan na ng kanilang Migrant Workers Office (MWO) sa Los Angeles, California ang dalawang Filipino fishermen na naputulan ng daliri habang nagtatrabaho sa magkahiwalay na fishing vessels sa Honolulu, Hawaii.

Ayon sa DMW, binigyan na ng medical support ang dalawang Pinoy na naaksidente habang nasa trabaho.

Kinumpirma ng DMW na ang mga naputol na daliri ni OFW Samson ay naibalik na matapos ang operasyon sa kanya.

Habang patuloy naman na nilalapatan ng lunas si OFW Raandaan matapos magtamo ng hand injuries.

Facebook Comments