Manila, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na submitted for resolution na ang kaso ng limang suspek sa pambobomba sa Jolo Cathedral Church sa Sulu.
Ito ay matapos i-terminate ng prosecutor ang inquest proceedings laban kina:
1) Mukammar L. Pae/Kammah L. Pae alyas Kammah
2) Albaji K. Gadjali alyas Apah Albaji/Awag
3) Radjan B. Gadjali alyas Rajan
4) Kaisar B. Gadjali alyas Isal
5) Said Alih alyas Papong
Kinumpirma rin ni Guevarra na pito pang identified suspects at ilang John at Jane Does ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.
Kabilang sa mga kasong isinampa laban sa lima sa Sulu Provincial Prosecutor’s Office ay multiple murder, multiple frustrated murder at damage to property
Facebook Comments