Bumaba pa ang bilang ng mga nagkaroon ng kaso ng acute gastroenteritis sa bayan ng Calasiao.
Sa datos ng Calasiao Municipal Health Office, mula 57 noong Enero 1-Marso 3 noong nakaraang taon nasa 38 na lamang umano ito ngayong taon sa parehong panahon.
Dahil dito, mas pinaigting ng Calasiao MHO ang kanilang isinasagawang pagsusuri sa mga water refilling stations, upang masiguro ang kalidad ng mga ito.
Samantala, regular naman umano ang kanilang pagsasagawa ng water testing lalo na’t patuloy na nararanasan ang mainit na panahon kung saan mas madalas na ang pag-inom ng tubig ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments







