Tumaas ang bilang ng mga indibidwal na nakakagat ng hayop sa bayan ng Bayambang, ayon sa Municipal Health Office nito.
Sa datos ng lokal na pamahalaan naitala ang 30 bagong kaso kung saan 45 ang kasalukuyang dumadaan sa treatment.
Dahil dito, nagpaalala ang MHO sa mga pet owners na magdoble ingat at huwag gawing laruan ang alagang aso at pusa.
Maari aniyang magdala ang mga ito ng parasites na posibleng mangitlog at makain ng mga bata at maging sanhi ng TOXOCARIASIS ng bituka o mata na pwedeng maging sanhi ng pagkabulag ng isang indibidwal.
Patuloy namang nagsasagawa ng education campaign ang lokal na pamahalaan kung papaano maiiwasang maging biktima ng pagkagat ng aso. | ifmnews
Facebook Comments