Kaso ng ASF sa bansa bahagyang tumaas ayon sa DA

May bahagyang pagtaas na naman sa kaso ng African Swine Fever (ASF) ngayong tag-ulan.

Sinabi ni Agriculture Asec. Arnel de Mesa, Department of Agriculture (DA) spokesperson na mula 20 nasa higit 50 na ang active cases ng ASF ngayon.

Kabilang sa nakitaan ng maraming kaso ng ASF ay ang Bohol.

Pero, tiniyak ng DA na hindi naman magkakaroon ng resurgency o posibleng ASF outbreak gaya noong nakaraang taon.

Ayon pa kay De Mesa, may natitira pa namang bakuna na ipapamahagi ng Bureau of Animal Industry (BAI).

Uunahin nilang gawin ang bakunahan sa mga lugar na may active cases.

Facebook Comments