Kaso ng ASF sa bansa, bumaba na

Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na hindi pa tapos ang laban sa African Swine Fever.

Ito ay kahit kinumpirma ng kagawaran na bumaba ang kaso ng ASF sa bansa.

Ayon kay Agriculture Usec. Ariel Cayana, dapat bigyang pansin ang naging epekto nito sa ekonomiya.


Tiniyak naman ni Cayanan na patuloy ang pagtugon ng gobyerno sa problema.

Sinabi ni Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo, malaking tulong din ang klima sa pagpigil ng pagkalat ng sakit.

Imumungkahi ng DA na magkaroon ng dayalogo ang ilang sektor na naapektuhan ng ASF.

Umaapela naman ang ilang Pork Producer sa mga local na pamahalaan na alisin na ang ipinatutupad na Pork Ban sa ilang lugar.

Facebook Comments