KASO NG BULLYING, TUTUTUKAN; MENTAL WELL-BEING NG MGA COLLEGE STUDENTS, PRAYORIDAD DIN

Ilang mga insidente ng bullying o karahasan sa mga loob at labas ng paaralan ang naiulat sa nakalipas na mga linggo.

Bilang tugon, tinitiyak ng Department of Education Region I na hindi lamang ang pagpapaunlad ng functional literacy ang tututukan, maging ang kapakanan at proteksyon din ng mga mag-aaral laban sa karahasan.

Ayon kay G. Johnson Sunga mula ss DepEd Region I, ilan sa mga hakbang ng ahensya sa rehiyon ay ang pagtuturo ng conflict management kasunod sa peace education sa ilalim ng bagong kurikulum, pagkakaroon ng hotline para sa pagrereport ng kaso ng bullying at iba pa.

Prayoridad din ng Commission on Higher Education Region I ang mental well-being ng mga kolehiyala.

Ayon sa CHED RO1 Regional Director Christine Ferrer, suportado ng tanggapan ang pagsasa prayoridad ng kapakanan ng mga college students

Samantala, hinimok ang mga guro na seryosohin umano dapat ang mga isinasangguning reklamo ng anumang uri ng pambubully o karahasan para mapanatili ang proteksyon ng mga mag-aaral, at maiwasang humantong sa mas mabigat na insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments