Kaso ng cholera sa bansa ngayong taon, mas mataas ng halos 300%

Kinumpirma ni Department of Heath (DOH) OIC Ma. Rosario Vergeire na umaabot na sa 3,729 ang kaso sa bansa ng cholera.

Ayon kay Vergeire, ito ay mas mataas ng 282% kumpara sa nakalipas na taon.

Partikular na naitala ang kaso ng cholera sa Region 8, Region 11, at CARAGA.


Karaniwan aniyang tinatamaan ng cholera ay mga nasa edad 5 hanggang 9.

Nakukuha ang naturang sakit mula sa pag-inom ng kontaminadong tubig at karamihan sa mga namamatay dito ay dahil sa dehydration.

Kinumpirma rin ng DOH na 5 mula sa 6 diarrhea-related deaths sa Dumagat tribe sa Quezon province ay hindi nakonsulta sa doktor.

Kaugnay nito, magsasagawa ang DOH ng supplemental immunization activities sa mga bata sa March 2023 at pangunahin dito ang routine immunization.

Facebook Comments