Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 3,980 ang kaso ng cholera sa bansa.
Batay sa National Cholera Surveillance Data, ang naturang cholera cases sa bansa mula January 1 hanggang October 8, 2022 ay 270% na mas mataas kumpara noong nakalipas na taon.
Karamihan sa kaso ng cholera ay naitala mula sa:
Region VIII: 2,678 (67%)
Region XI: 441 (11%)
Caraga: 289 (7%)
Ayon sa DOH, sa halos apat na libong kaso, 37 lamang dito ang nasawi o katumbas ng 1% case fatality rate.
Pinapayuhan naman ng DOH ang publiko na panatilihin ang kalinisan upang maiwasan ang nasabing sakit.
Facebook Comments