Kaso ng communicable diseases sa bansa, bumaba ngayong taon

Bumaba ang kaso ng top communicable diseases gaya ng measles at dengue sa Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bumaba ang kaso ng measles sa 90%; 50% sa acute meningitis; at hanggang 60% naman sa encephalomyelitis.

Habang bumaba naman sa 77% ang kaso ng dengue.


Kabilang din sa mga bumaba ang kaso ay ang typhoid cases, hepatitis, at cholera

Giit ni Duque, malaki ang naitulong ng pinaiiral na minimum health standards para mapababa ang kaso ng nasabing mga sakit.

Facebook Comments