Kaso ng COVID-19 cases sa bansa, mahigit 307,000 na; panibagong 29 na mga Pinoy sa abroad, tinamaan ng COVID

69

Umaabot na sa 307,288 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na madagdagan ng 3,073 na bagong kaso.


Sa nasabing bilang, 49,242 ang active cases.

163 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ay 252,665.

37 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 5,381.

Samantala, 29 naman ang mga Pilipino sa abroad na bagong na-infect ng COVID-19.




Bunga nito, ang total cases ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID sa abroad ay 10,467.

Sa nasabing bilang, 2,999 ang active cases.

Anim naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 6,676.

Isa naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total fatalities ngayon sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 792.

Facebook Comments