Kaso ng COVID-19 cases sa bansa, posibleng pumalo ng 8,000 kada araw sa katapusan ng buwan ayon sa OCTA Research

Posibleng pumalo sa 8,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 cases kada araw sa bansa sa katapusan ng buwan ayon sa OCTA Reasearch,

Ayon kay OCTA Research fellow Guido David, sa kasalukuyan ay nasa 1.9 ang reproduction rate ng mga indibidwal na tinatamaan ng COVID-19.

Kung sakaling manatali sa ganito ang reproduction rate ay posibleng umabot sa 18,000 hanggang 20,000 ang naitatalang kaso sa kalagitnaan ng buwan ng Abril.


Habang 5,000 hanggang 6,000 ang tinatayang maitatala sa Metro Manila sa katapusan ng buwan at 14,000 naman sa susunod na buwan.

Samantala, maituturing nang ‘second wave’ ang kasalukuyang pagsirit sa kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa University of the Philippines (UP) Pandemic Response Team.

Facebook Comments