Kaso ng COVID-19 Delta Variant, Naitala sa Cauayan City; Pasyente, Fully Recovered na

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ni Mayor Bernard Dy ng Cauayan City ang naitalang kauna-unahang kaso ng COVID-19 Delta variant sa lungsod.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Dy, ito ay naitalang kaso noon pang nakalipas na buwan kung kaya’t ‘fully recovered’ na ang nasabing tinamaan ng covid variant at kanyang mga nakasalamuha.

Aniya, hindi dapat maging kampante ang publiko dahil ang nararanasang pandemya ay hindi pa rin nawawala.


Kailangan din aniya na maipatupad ng mahigpit ang umiiral na health protocols dahil nakapasok na ang nakakahawang variant ng COVID-19.

Sa kabila nito ay hinihimok ng opisyal ang publiko na magpabakuna kontra COVID-19 upang makaiwas sa hawaan ng virus.

Facebook Comments