Kaso ng COVID-19 kada araw sa Pilipinas, posibleng bumaba sa 5,000-6,000 sa Mayo – ayon sa OCTA

Maaaring bumaba ng 50-porsyento ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa kada araw pagsapit ng Mayo.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, umaasa silang magkakaroon ng downward trend sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.

Pero hindi pa rin aniya nangangahulugan ito na nakontrol na ang pagkalat ng virus.


Ang Metro Manila ay maaari pa ring makapagtala ng average na 4,000 hanggang 5,000 cases bawat araw.

Sa buong bansa, posible pa ring pumalo sa 9,000 hanggang 10,000 ang daily cases sa katapusan ng Abril.

Umaasa rin nag OCTA Research na ang pagpapatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay makakatulong para mapababa ang reproduction number sa National Capital Region (NCR).

Facebook Comments