Kaso ng COVID-19 ngayong Marso, dumoble sa naging kaso noong Marso 2020

Lumagpas sa peak noong nakalipas na taon ang kaso ngayon ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon kay Department of Health (DOH) Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, dumoble ang COVID cases ngayong Marso kumpara noong Marso 2020.

Partikular aniyang nakitaan nila ng 200% na pagtaas sa kaso ng infections ang Metro Manila.


Mahigpit din na binabantayan ng DOH ang returning overseas Filipinos kung saan kabilang sa mga kaso ng COVID variants ay mula sa mga umuwing Pinoy.

Ayon pa kay de Guzman, bagama’t hindi pa naman umaabot sa 2% ang total deaths sa bansa, mahigpit aniya nilang binabantayan ang severe at critical cases.

Pinaghahanda rin ng DOH ang Local Government Units (LGU) na wala pang naitatalang kaso ng COVID variants.

Bukod aniya sa mga pasilidad, dapat ihanda na ng mga LGU ang kanilang contact tracers at magsimula nang maghanap ng kaso sa kani-kanilang nasasakupang lugar.

Facebook Comments