Kaso ng COVID-19, posibleng pumalo sa 30,000 kada araw dahil sa epekto ng Delta variant

Posibleng sumipa ng hanggang 3,000 kada araw ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa Pilipinas dahil sa epekto ng Delta variant.

Batay sa pagtataya ng UP COVID-19 pandemic response team, magaganap ito sa huling bahagi ng Septyembre hanggang sa unang bahagi ng Oktubre.

Paliwanag naman ni Prof. Jomar Rabajante, maaaring pumalo sa tatlong milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa Oktubre at apat na milyon sa Setyembre.


Ipinaalala naman ng grupo sa publiko ngayong ber months na patuloy na patuloy na mag-ingat at sumunod sa minimum health protocols.

Facebook Comments