Kaso ng COVID-19 sa bansa, 187

Nadagdagan pa ng 45 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay sina patients number 143-187.

Bunga nito, umaabot na sa 187 ang kaso ng COVID sa bansa.


Samantala, gumaling naman o naka-recover na ang isa sa mga Pinoy repatriates mula Diamond Princess sa Yokohama,Japan na unang nagpositibo sa virus.

Siya ay 31 yrs old mula sa Negros Oriental at base sa kumpirmasyon ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital, dalawang beses na nagnegatibo sa COVID ang naturang Pinoy repatriate kaya nakatakdang ma-discharge ngayong araw

Bunga nito, umaabot na sa apat ang nakarecover sa COVID.

Sila ay sina patients number 1, 3, 14 at 25.

Facebook Comments