Bumababa na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Ito ay kinumpirma ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, kung saan nasa 0.97% na lamang ang reproduction rate, habang nasa negative 14% ang growth rate.
Samantala, sa Metro Manila naman ay bumaba ng 12% ang COVID-19 cases kumpara sa nakalipas na linggo at bumaba na sa 1.04% ang reproduction rate nito.
Ayon kay Guido, umaasa siya na matatapos na ang Omicron wave sa Pilipinas, lalo’t lampas na ang bansa sa peak ng COVID-19 infections.
Naniniwala rin aniya siya na nakatutulong ang vaccination drive ng pamahalaan upang mapababa ang mga kaso ng nasabing sakit.
Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH), nakapagtala ang bansa ng 23, 883 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo o average na 3, 412 daily infections mula August 15 hanggang 21 o mababa ng 15% kumpara sa nakalipas na linggo.