Kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 294,000 na

73

Umaabot na sa 294,591 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos madagdagan ng 2,833.

44 naman ang mga bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay 5,091.

Habang 765 ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 231,373.

Sa nasabing bilang, 58,127 ang active cases.

Samantala, nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 6 na Pilipino sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Bunga nito, umaabot na ang total deaths ngayon sa 785.




Wala ring naitala na panibagong Pinoy na naka-recover ngayon sa COVID sa ibayong dagat.

Bunga nito, ang total recoveries ay nananatili sa 6,629.

2 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID-19 cases ngayon sa mga Pinoy mula sa 78 na mga bansa ay 10,419.

Sa nasabing bilang, 3,005 ang active cases.

Facebook Comments